Masaya at malungkot.

Nagiinternet lang ako ngayon, kakatapos lang manood ng Game of Thrones. Bigla kong naisip yung summer naten dito sa Manila. Di ko alam kung bakit. Kung bakit sa dinami-rami ng pwede kong maalala, yun pa. Hindi sa ayoko ng maalala lahat. Hindi sa gusto ko ng makalimutan. Siguro oo. Makalimot kahit ngayon lang.

Pero sige, ikekwento ko sa kanila ngayon yung masasayang alaala natin nung summer.

Hindi nako umaasa na magkakasama tayo sa Manila. Sabe mo kase hindi na tuloy yung summer class nyo. Pero naiba bigla. Isa sa mga pagkakataong naisip kong sumang-ayon ang tadhana para saten. Korni? Yaan mo na.

Unang gabi palang naten, sobrang saya na. Biglaan pa yon. Di mo naman kasi sinabi na nakaluwas na pala kayo. Nalaman ko nalang nasa Dapitan na kayo. Akala ko joke time. Kaya mo pala tinatanong kung malapit lang samen. Nagkita tayo. Pumuntang SM. Kumain. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Masaya. Masayang masaya.

Nagsimula na yung OJT ko, kasabay ng first day of summer classes nyo. Buong akala ko tuwing weekends lang tayo magkikita. Syempre gabi nako makakauwi galing office. Syempre pagod tayo parehas sa buong araw na mga ginagawa. Pero siguro nga, BDO tayo: we find ways. Korni nanaman? Bakit ba. Naging every night routine natin ang sunduin mo ko sa LRT station. Kakain tayo ng dinner sa McDo, pero after ilang days at weeks, sa carienderia nalang. Tapos magkekwentuhan ng ilang oras. Tipong napaka aga pa. Walang pakelam sa oras. Tipong walang pasok ng umaga kinabukasan.

Ang maglakad papuntang St. Jude sa Mendiola. Sabay magdadasal. Maglakad pauwi. Parehas ayaw pa umuwi pero kelangan. Mga lulong sa oras pag magkasama na. Masaya.

Pagkauwi, magkakatext pa or chat or magkakausap padin sa phone. Magpupuyat padin.

Pagkagising ko, tulog ka pa. Nakarating nako sa office or kahit nasa byahe palang ako, saka palang kita gigisingin sa tawag. Kahit nasa ‘trabaho’ nako, kahit nasa klase kana, magkachat padin or magkatext. Minsan sabay pa. Normal naman yun satin e, magkaiba pa yung topic sa chat at sa text syempre.

Parehas excited maguwian. Lalo nako, kung pwede ko lang takbuhin ang Antipolo hanggang Legarda. Ginawa ko na. Tapos mauunahan padin kita makarating don. Ganon ka magsundo, ako padin yung maghihintay, nakakatawa lang. Pero ok lang. Some time to chill and watch people walk by. Pagkadating mo sa station di rin agad tayo aalis, andon lang, nakaupo lang. Nanonood sa mga dumadaan. Saka palang aalis.

Yung weekend gala naten. Luneta Park. Quiapo. SM Sta. Mesa. St. Jude. Malacañang. San Sebastian Church. 9 different McDo branches. España. Welcome Rotonda. Bustillos. San pa nga ba. Medyo madame din pala tayong napuntahan no. Puro mcdo haha. Puro lakad. Nagiging walking distance yung hindi dapat.

Yung aabutin tayo ng ilang oras sa mcdo nagtatawanan. Nagiintay umalis sa mga nasa gusto nating pwesto. Nanonood ng HIMYM habang halos lahat ng customers e mga estudyanteng nagaaral. Sus.

Yung maglalakad tayo sa España kahit gabi na. Kung ano ano pinaguusapan.

Madami din namang masayang nangyare nung summer. Mga moments na di natin parehas inakala e magkakaron tayo.

Kung may masaya, syempre may malungkot din. Ganun talaga.

Biglang nagbago lahat. Ayoko ng alalahin masyado. Pero nakakalungkot isipin na yung mga lugar na napuno ng masasayang alaala e tipong nabura dahil sa malulungkot na karanasan. Pinaka diko makakalimutan yung gabing nasa Mcdo tayo sa PNoval. Alam mo nayon. Yung paglalakad naten sa gilid ng UST… ng hindi naguusap. Siguro mga ilang salita lang. Akala ko talaga yun nayung katapusan ng lahat. Hahaha ramdam ko e. Ang bigat. Pero hindi pa pala. Mabuti naman.

Ngayon, naisip ko na sana, sana mapuntahan ulit natin yung mga lugar na napahidan ng malulungkot na alaala, para bigyan ng mga bagong masasayang alaala. Naisip ko lang naman. Hindi ko alam kung magiging posible pa nga ba.

Pwede ko namang wag nalang puntahan yung mga lugar nayon. Pero hindi e. Mapupuntahan at mapupuntahan ko padin. At wala akong ibang maaalala kundi ang mga oras na kasama kitang naglalakad at nagsasaya sa mga lugar nayon.

Mabuti nalang din palang lumipat nako ng tirahan. Kahit papano diko na naaalala yung nilalakaran natin lagi pag hinahatid mo ko pauwi. Hindi ko na kelangan maalala na minsan akong may kasamang maglakad don. Ang drama ba? Yaan mo na.

Sa lahat ng masaya at malungkot na nangyare. Sa lahat ng tawa at away. Sa lahat ng nangyare nung summer. Yun ang pinakamasaya, pero yun din ang pinakamalungkot at masakit. Sana dina maulit.

Ayan na.

Nasabi ko na. Kung may mga kaibigan man akong makakabasa nito. Alam nyo na. Hindi nako masyado nagkwekwento ngayon e. Sorry naman.

Umaga nanaman. Tama na ang kadramahang ito.
Jeydehhh 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s