3am thoughts.

Well it’s already 3:17am, and I can’t fucking sleep.

Siguro dipa nagsisink-in sakin na wala na. Pero nakakatuwa lang na hindi ako naging OA kanina. Ni hindi nagdrama o umiyak. Hanggang ngayon parang walang lang. Walang bakas na nasaktan ako. Bago yun mga bes. Haha. Baka ngayon lang to? Hindi ko sigurado.

So magtataka siguro yung iba sa inyo, kung meron mang may pake, bakit? Anong nangyari?

Napagkasunduan. Paano? Parehas namen narealize na pareho na kaming nahihirapan masyado. Kasi sobrang gulo na ng sitwasyon. Kaya ayun. Kahit labag sa kalooban ko, umayaw nako.

Umayaw ako hindi dahil ayoko na talaga.
Umayaw ako sa part na ayoko ng masyadong nahihirapan ka kakaisip.
Umayaw ako kasi gusto kong mabawasan problema mo.
Umayaw ako kasi feeling ko yun ang dapat?
Umayaw ako kasi feeling ko dito rin talaga punta nito, sa wala.
Umayaw ako kasi feeling ko lalong lalala pag tinuloy pa.

Pero baka feeling ko lang to? Hanggang ngayon, diko padin sigurado.

Hindi ibig sabihin nito dina kita mahal. Shit yon.
Hindi ibig sabihin nito dina ko aasa. Well partly yes, partly no.
Hindi ibig sabihin nito dina kita papansinin. Hmm, let’s see.
Hindi ibig sabihin nito magiging bitter nako.. joke. Matagal na pala kong bitter.
Hanggang ngayon diko parin maset sa utak ko na “wala na”

Hindi naging tayo. At least yun, malinaw.

Pero malabo padin kasi bakit? Bakit kelangan ganito?
Pero wala na muna siguro akong magagawa sa ngayon. Hahayaan ko nalang muna.
At least kahit papano, naging masaya tayo. Walang dapat kwestyunin dun.

Sa dami ng naging problema, nawala na yung dating tayo. Hindi ko na nga ata kilala yung dalwang taong nagsimula ng kaisipang “tayo”. Nawala na sila. Baka hindi na sila bumalik pa.

Hindi ko alam kung paano na kita patutunguhan ngayon. Eto sigurado ko dito. Pero:

May bestfriend padin ba ako?

Meron pa, sigurado. Pero hindi na ikaw yun. I mean, hindi kana siguro isa sa kanila? Hindi na ikaw yung kasama kong mag foodtrip sa nigh market? Hindi na ikaw yung kasama kong sumimba sa 6am mass? Hindi na ikaw yung kasama kong mag breakfast sa McDo? Hindi na ikaw yung kasama kong manood ng night sky? Hindi na ikaw yung kasama kong magsayang ng oras sa Rob? Hindi na ikaw yung kausap at katext at kachat ko hanggang madaling araw? Hindi na ikaw yung kasama kong tumambay maghapon sa bahay? Hindi na ikaw yung kasama kong gawin lahat yan tuwing bakasyon.

Shit.

Malaking adjustment ata to mga bes hahaha goodluck.

Pero masaya ako kase sa desisyon kong yun kanina, nabawasan na yung problema mo.

Salamat :)

#Panget kapa din boy.

Jd.

Advertisements

5 thoughts on “3am thoughts.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s