Walang Hanggan

041116 (13)

Photo: Summer memories, 2016.


WALANG HANGGANG by QUEST

Gulong gulo ang puso
Saan ba to patungo?
Di ko alam, di ko alam

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit?
Ang mga pangakong binitawan…
Di ko alam, di ko alam

Nong ika’y nilalamig ako’y umiinit
Kapag takot sa bukas akong unang sisilip
Ginawa ko nang lahat
Hindi parin sapat

Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana…

Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na di maulit
Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan
Pero may dulo…

Bawat segundo sa aking puso iuukit
Lahat ng alaala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggang
Pero eto tayo, sa dulo…

Kelan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang ‘yong braso
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit

San galing ang galit?
Meron bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan…
Bakit ganyan? Bakit ganyan?

Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang paki kung di sapat

Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana…

Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo yung dulo…
Kasi sabi mo walang hanggang, bat merong dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Bat nandito tayo, sa dulo…
SA DULO.

Wag ka munang tumalikod.
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayoko mag isa dito

Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap nalang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin.

Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan
Bakit nandyan ka sa dulo?

Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa ako sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero eto tayo, sa dulo.

Kung ika’y mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan minsan
Dito lang ako di ako lilisan
Sa ating dulo, di ako lilisan.


OST from “Ang Kwento Nating Dalawa” film. Yung lyrics grabe. Maganda. Tagos! booom hahaha

 

JANNA DARA ;)

Advertisements

2 thoughts on “Walang Hanggan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s