ESTUDYANTE

1:32am

Eto at chumichill na parang walang naganap na pagpapanic at pagka-cram kanina :) Natapos ko na panoorin yung Season 6 ng GOT. Sobrang nakakabitin, as always. Ok na sana. Nakapagrefresh na kahit papano, nakanood na ulit ng series. Pero pagka online ko, nabasa ko sa GC namin, may NEXT PLATE agad mga bessy :—-) akala namin pahingan muna. Wala pala nun. Okay nadin sana na sa Monday pa naman, pero may iba pang subjects. May iba pang kelangan isipin. Quiz. Midterm. Report. y naman ganon haha. Nakakapagod na eno? Pero ok lang. Normal naman to. Lahat napapagod… hmmm. Kung di kami napapagod edi parang di kami nag eexert ng effort. Naks. Nagdahilan pa haha.

Pero ganito talaga ang buhay estudyante. Lalo sa college. Nako, walang wala pa yung paghihirap nung mga HS students :) Ilang beses mo mararanasan ang mag cram, magpuyat, mag exam ng di nakapag aral ng ayos, di maligo, di kumain, di matuto. Yung pumapasok ka nalang para sa attendance. Nakatingin ka sa prof habang nagdidiscuss pero walang pumapasok sa isip mo. Lutang ka lang. Madalas, ganun ako. Kami. Minsan pumapasok lang para matulog sa klase, pag di na kaya labanan yung sobrang antok. Nakakatawa yung mga ganung moments na yung mga kaklase ko sobrang antok na antok na tas nakakatawa sila panoorin, parang naghe headbang :—–) sorry guys. Malamang ganun din ako minsan. Pero iniiwasan ko, kasi alam kong muka akong ewan pag ganung sobrang antok nako mehehe

Ang non-sense ng post nato. Pero inaantay ko nalang matapos tong sem nato e. Pero wag din agad, medyo easy lang muna. Ang bilis ng araw e. Parang kaka Saturday palang nung isang araw, tas bukas Friday na agad o.O PAANO?! Hays life :) Goodluck mga ati at koya sa college life. Para sa “kinabukasan”.

#PUSH ♥

 

Nagpapaka-estudyante,

jeydie ;)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s