Camp Sawi

*wow, isang araw nalang, isang buwan nakong di nagpopost. Hmm, busy. Busy magsayang ng oras kesa magsipag.*

So kagabi, after ko gawin lahat ng dapat gawin, nanood ako ng Camp Sawi sa phone. Oo na, namimirata na. Nung unang pinalabas to sa sinehan, gusto ko talagang panoorin. Kaso walang oras. Wala ding pera. And I thought it would be one of those cliché Pinoy films. Oooops sorry ✌ and the time it was released, I feel like I really need to watch it, something tells me na ‘makakarelate ka jan’ kahit di naman talaga ko sawi. Nasasaktan by that time, pero sawi na ba agad pag ganun? Di naman diba?

Nung nanonood ako kagabi, di ako nakaramdam ng lungkot at sakit… masyado. Nalulungkot ako sa scenes na parang alam ko yung nararamdaman nung mga bida, parang alam ko bakit sila nasasaktan. Pero hindi ako naka relate ng husto na tipong kasabay akong umiiyak nung mga bida habang nanonood na ang bigat bigat sa pakiramdan kasi relate na relate ako sa kanila. WALANG GANUN KAGABI. NAKAKATUWA. 

Naisip ko na, ‘ah, ok na pala ako’. Kasi kung pinanood ko agad yung movie nayun sa sinehan, baka nagsasalita ako magisa habang nanonood at kasabay na nagbibitter ng mga bida tungkol sa mga lalake. Pero hindi, natatawa ako sa kanila. Lalo yung scene na lasing sina Arci at Bela sa mag dagat. Epic.

Ayon. Masarap sa pakiramdam na kahit papano alam mong ok kana ulit.

💞 bhebhebhooooy hahaha