“…ginawa mo na’ng lahat,

pero di’ parin sapat…”


Yung parang biglang may bumulong sayo nung kanta ng Quest hahaha deyuuum. Wag ngayon pls. Busy ako. Panic mode on para sa ganap mamaya.

*kase ika’y mawawala naaaaa, nawalan ng gana ang tadhana* erpsss hahaha

K

Advertisements

Bakit ikaw?

Nung nagsimulang maloko tong puso ko sa’yo,
Nung nagdadalwang isip nako sa nararamdaman ko para sa’yo,

Nung inakala kong hindi totoo ang lahat ng iniisip at nararamdaman ko para sa’yo,

Natanong ko sa sarili ko, “Kung totoo lahat ng ito. BAKIT IKAW?

Bakit ikaw na wala akong balak mahalin,

Bakit ikaw na hindi ko naisip na magugustuhan ko,

Bakit ikaw na laging inaasar ako,

Bakit ikaw na laging binibwisit ako,

Bakit ikaw na laging sinusumpa ko sa kapangitan mo,

Bakit ikaw na bigla kong naging kasundo,

Bakit ikaw na lagi ko ng kasama,

Bakit ikaw na lagi kong kausap,

Bakit ikaw na lagi kong kabiruan,

Bakit ikaw na lagi kong katawanan,

Bakit ikaw na lagi kong kasama sa kalokohan,

Bakit ikaw na kasama kong kumain,

Bakit ikaw na kasama kong manood ng sine,

Bakit ikaw na kasama ko sumimba tuwing umaga,

Bakit ikaw na kasama ko mamasyal kung saan tuwing gabi,

Bakit ikaw na kapuyatan ko,

Bakit ikaw na sinasabihan ko lagi ng problema ko,

Bakit ikaw na bestfriend ko,

Bakit ikaw? Pero bakit hindi?

Sino ka ba?

Ikaw.

Ikaw yung nagpaparamdam sakin na mahalaga ako.

Ikaw yung nagpapaalala sakin na may halaga ako.

Ikaw na nagsasabi sakin na maganda ako.

Ikaw na nagpapaligaya sakin.

Ikaw na nagpapatawa sakin sa kakornihan mo.

Ikaw na dinadamayan ako sa kadramahan ko.

Ikaw na pinagsasabihan ako sa mga katangahan ko.

Ikaw na gustong mapabuti ako.

Ikaw na laging inaalagaan ako.

Ikaw na minamahal ako ng sobra sobra.

Ikaw. Ikaw ‘yun. Wala ng iba.

Bakit nga naman hindi ikaw di’ba? Kulang pa lahat ng sinabi ko para mapatunayan na ikaw na nga.

Madami kang pagkukulang, oo, alam ko yun. Pero hindi yun dahilan para iwan kita.

Mahal na mahal kita.

At hahanap at hahanap ako ng paraan at rason para hindi ka iwan.

Dahil ikaw, ikaw yung gusto ko makasama.

Sa’yo ako masaya.