what/how should I feel?

“asdgwibsgan!@-kaysvakauzhakqusywvau!!”

😞

Advertisements

“…ginawa mo na’ng lahat,

pero di’ parin sapat…”


Yung parang biglang may bumulong sayo nung kanta ng Quest hahaha deyuuum. Wag ngayon pls. Busy ako. Panic mode on para sa ganap mamaya.

*kase ika’y mawawala naaaaa, nawalan ng gana ang tadhana* erpsss hahaha

K

That one summer.

I remember our first summer together (2014). When all impossibilities between us, turned to possibilities that even the both of us find it hard to accept. It was a mess, tho. But it was fine, as well. A beautiful mess. A story that I will never forget. A story I wish would come to life again, with you of course.
Repost from shetravelbumwordpress.wordpress.com:

 Summer love. – http://wp.me/p78XeH-1z

Camp Sawi

*wow, isang araw nalang, isang buwan nakong di nagpopost. Hmm, busy. Busy magsayang ng oras kesa magsipag.*

So kagabi, after ko gawin lahat ng dapat gawin, nanood ako ng Camp Sawi sa phone. Oo na, namimirata na. Nung unang pinalabas to sa sinehan, gusto ko talagang panoorin. Kaso walang oras. Wala ding pera. And I thought it would be one of those cliché Pinoy films. Oooops sorry ✌ and the time it was released, I feel like I really need to watch it, something tells me na ‘makakarelate ka jan’ kahit di naman talaga ko sawi. Nasasaktan by that time, pero sawi na ba agad pag ganun? Di naman diba?

Nung nanonood ako kagabi, di ako nakaramdam ng lungkot at sakit… masyado. Nalulungkot ako sa scenes na parang alam ko yung nararamdaman nung mga bida, parang alam ko bakit sila nasasaktan. Pero hindi ako naka relate ng husto na tipong kasabay akong umiiyak nung mga bida habang nanonood na ang bigat bigat sa pakiramdan kasi relate na relate ako sa kanila. WALANG GANUN KAGABI. NAKAKATUWA. 

Naisip ko na, ‘ah, ok na pala ako’. Kasi kung pinanood ko agad yung movie nayun sa sinehan, baka nagsasalita ako magisa habang nanonood at kasabay na nagbibitter ng mga bida tungkol sa mga lalake. Pero hindi, natatawa ako sa kanila. Lalo yung scene na lasing sina Arci at Bela sa mag dagat. Epic.

Ayon. Masarap sa pakiramdam na kahit papano alam mong ok kana ulit.

💞 bhebhebhooooy hahaha

CqUUtS7W8AASXvj

CqUUuLNXEAA4qsr

Source: Perfectllysaid|Twitter

Seriously don’t understand myself these past few days.. or weeks. Been feeling so lonely and dramatic most of the times. Don’t know where’s it coming from. Why self, why?

Ang lakas nanaman ng ulan. Wala namang bagyo… diba? Sensya na di ako nakakanood ng tv e. Wala din naman ako nababasa sa internet na may bagyo nga. So suspended nanaman. Siglang sigla nanaman kaming mga estudyante. Kawawa mga nagtatrabaho. Kahit baha, may pasok padin. Papaniwalain ko nanaman sarili kong tama ang instincts ko na wag muna mag review para sa midterm bukas…

Ganito yung mga panahon na ang sarap humilata sa kama. Yung walang ibang iisipin. Matutulog lang or manonood ng moview/series. Magiinternet magdamag. Magbubusy-busyhan.

Tanda ko nung high school kami, ang saya pag umuulan. Ang sarap ng hangin, ang lamig. Pero hassle din pumasok, lalo saming umuuwi pag tanghali, ang hirap maghanap ng tricycle kahit di talaga namin hinahanap haha. I mean ang hirap maghintay sa labas ng bahay, bukod sa basa kana bago pa makasakay, puro may sakay na agad yung dumadaan sa tapat ng bahay. Late na kami bago pa makasakay, pero usually may consideration pag umuulan, di agad late kahit late na talaga. Lol.

Tapos mga basa kami sa room, kawawa mga sapatos namin. Ang daming nakahilerang mga payong sa labas ng room. Sarado mga bintana kasi umaampiyas sa loob ng room. Pag uwian ng tanghali, eto yung masaya na part, lalo pag nakalimutan magdala ng payong, yung makiki-share ka lang. Takbuhan papuntang sakayan, minsan di narin, gusto din magpaulan e haha. Tho covered walkway naman yung samin, yung pag pababa na sa pila ng tricycle, basa kana bago makapasok ng tricycle. At syempre dahil nga maulan, yung mga usual na naglalakad pauwi, nagsasakay nadin. So medyo agawan sa tricycle. E kami ng mga kaklase ko saka ibang kaibigan from other sections, isang grupo na kami para sa isang tricycle. Usually lima, minsan anim. Tatlo or apat sa loob, dalawa or tatlo sa likod. Ang saya. Imbis na mainis dahil basa na, magtatawanan pa.

Hays. Nakakamiss sheeeet. Feeling old!

Pero ngayong college, dina talaga ko natutuwa pag umuulan. Pag sa school kami inabutan ng malakas na ulan, sobrang hassle kasi babaha agad. Mahirap umuwi. Pero pag umulan ng malakas habang nasa bahay kami, nag iintay lang ng suspension. Pag natupad, yun yung masayang part. Haha.

Anyways, keep safe everyone! Grab all the chill moments you can, minsan lang to woooh 😉
Kid doing kinda nothing,

jeydie.

Let’s talk…

1

Source: Sadness and agony | Facebook


I told you I like reading posts like this. I’m letting myself drown into these unconscious feelings inside me, waiting to be noticed.

But hey, I’m fine. Right now, I’m struggling to open my notes and review for our upcoming midterm exam this moday. Weekend feels bruh, plus the cold cozy weather. Rare times. RARE DAYS. RARE NIGHT. Making the most out of it, by wasting time. Bad.